Naranasan mismo ni Ka Delia ang bangis ng epekto ng climate change nang humagupit ang bagyong Yolanda noong 2013. “Kakaiba talaga yung lakas ng hangin noon,” aniya. “Parang magugunaw na ang mundo, wala ka talagang makita sa labas.” Ikinuwento niya ang pagbagsak ng bubong ng bahay nila at ang paglikas nila sa gitna ng bagyo. […]