isinalaysay kay Ester Martires Dalawang linggo ang ipinaalam niyang “bakasyon” sa mga kakolektibo niya. Kasama na rito ang ilang araw na biyahe papunta at pabalik. Kalkulado ang haba ng oras ng byahe; kung gaano kahaba ang lalakarin lalo’t maulan (at petiburges/laking lunsod siya); at kung gaanong ibayong pagtalima sa mas pinahigpit na palisiya sa byahe. […]