Tag archive

The Guerrila is Like a Poet

The Guerrilla is Like a Poet – New People’s Army 50th Anniversary

in Arts & Literature/Videos

Pagpupugay sa ika-50 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan!

THE GUERRILLA IS LIKE A POET
by Jose Maria Sison, 1968

The guerrilla is like a poet
Keen to the rustle of leaves
The break of twigs
The ripples of the river
The smell of fire
And the ashes of departure

The guerrilla is like a poet
He has merged with the trees
The bushes and the rocks
Ambiguous but precise
Well-versed on the law of motion
And master of myriad images

The guerrilla is like a poet
Enrhymed with nature
The subtle rhytym of the greenery
The inner silence, the outer innocence
The steel tensile in-grace
That ensnares the enemy

The guerrilla is like a poet
He moves with the green brown multitude
In bush burning with red flowers
That crown and hearten all
Swarming the terrain as a flood
Marching at last against the stronghold

An endless movement of strength
Behold the protracted theme:
The people’s epic, the people’s war

==========

ANG GERILYA AY TULAD NG MAKATA

Ang gerilya ay tulad ng makata
Matalas sa kaluskos ng mga dahon
Sa pagkabali ng mga sanga
Sa mga onda ng ilog
Sa amoy ng apoy at
Sa abo ng paglisan

Ang gerilya ay tulad ng makata
Nakasanib sa mga puno
Sa mga palumpong at rokas
Na nakakaalangan subalit tumpak
Bihasa sa batas ng paggalaw
Pantas sa laksang larawan

Ang gerilya ay tulad ng makata
Karima ng kalikasan
Ng sutlang ritmo ng kaluntian
Katahimikang panloob, kamusmusang panlabas
Aserong tibay ng panatag na loob
Na sumisilo sa kaaway

Ang gerilya ay tulad ng makata
Kasabay ng luntian, kayumangging masa
Sa palumpong na pinaliliyab ng mga pulang bulaklak
Na nagkokorona at nagpapaalab sa lahat
Dumadagsa sa kalupaan tulad ng baha
Nagmamartsa sa wakas laban sa kuta

Walang hanggang daloy ng lakas
Masdan ang matagalang tema
Ng epikong bayan, ng digmang bayan

 

#NPA50
#ServeThePeople
#CherishThePeoplesArmy
#HanggangSaTagumpay
#JoinTheNPA

Go to Top