Raling Iglap

in Arts & Literature/Gallery
by ARMAS (Artista at Manunulat para sa Sambayanan)

Enero, sa panulukan ng EDSA-Aurora
Ipinarada ang mga pulang bandila
Suporta sa usapang kapayapaan, ugatin ang kahirapan
Digmang bayan para sa makatarungang kapayapaan

– Enero 23, 2017 | Cubao, Quezon City

 

Sa may simbahan ng Quiapo, mga Bagong Kababaihan
Hawak ay hindi kandila, rosaryo, o dasal
Litanya ng pakikidigma ang binibigkas, inuusal
Hangad ay paglaya ng uring pinagsasamantalahan

– Marso 17, 2017 | Quiapo, Manila

 

Sa Sta. Cruz-Avenida sa Maynila
Makabayang guro ang nagmartsa
Itinuturo ang landas ng pakikibaka
Sa hukbong bayan sumapi, sumampa

– Marso 24, 2017 | Sta. Cruz, Manila

 

Itinanghal apatnapu’t walong taon ng pakikidigma
ng Bagong Hukbong Bayan sa kanto ng EDSA-Aurora
Armas ng mamamayang sinasamantala
Tagumpay ng rebolusyon ang panata

– Marso 27, 2017 | Cubao, Quezon City

 

Ipinagbunyi sa paanan ng Mendiola
Ikalawang Kongreso ng Partido Komunista
Marxismo-Leninismo-Maoismo ang gabay
Ibayong pagkakaisa, ibayong tagumpay

– Marso 31, 2017 | Mendiola, Manila

 

*Nagkaroon din ng lightning rally o raling iglap sa Sorsogon, Calamba, at Davao noong Marso 29, 2017 bilang pagdiriwang sa ika-48 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan

Leave a Reply

Your email address will not be published.

*

Latest from Arts & Literature

Viva Singkwenta

VIVA SINGKWENTA Orihinal na awit mula sa ARMAS I. Hakbang-hakbang sa paglakbay

(Untitled)

Paano ko bubuhayin ang alaala Ng aking kaibigan, asawa, ama ng aking
Go to Top