Kwentong First Time

Palaging memorable ang mga pagkilos, lalo na kung UG (underground) o palihim at sa sentro ng syudad gaya ng Divisoria sa Maynila. Palaging may kabog sa dibdib pero masaya rin kapag isinisigaw na ang Isulong ang Armadong Rebolusyon, Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas, Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan, Mabuhay ang National Democratic Front—hindi lang bilang islogan kundi para ilapit sa mga taga-lunsod ang nagaganap na armadong rebolusyon sa kanayunan.

Noong Abril, ika-52 anibersaryo ng NDFP, ginanap ang lightning rally sa Divisoria. Mahigit 300 ang dumalo, at gaya nung mga naunang pagkilos (mga Operasyon Pinta, Operasyon Dikit, atbp) may mga lumahok na bago—mga first-timer na syempre, doble ang kabog sa dibdib.

Heto ang mga kwento ng mga first-timers na kasapi ng Artista at Manunulat para sa Sambayanan (Armas) mula sa Parts Bagani Chapter:

Isagani

“Affirmation ito ng mga pinaninindigan at mga prinsipyo sa rebolusyon.”

Sumapi si Ka Isagani sa ARMAS-Parts Bagani noong 2024. Pero bago pa man nanumpa alam na niya ang digmaang sibil na nangyayari sa ating bayan. May mga butil-butil na siyang impormasyon kung sinu-sino ang mga magkalabang pwersa sa digmaang ito. Kilala niya rin ang NDFP.

Para kay Ka Isagani, bilang poet na naka-base sa lungsod, nabigyang kulay ng classic na tula ni Prof. Jose Maria Sison na “The Guerilla Is Like A Poet” ang guerilla warefare sa kanayunan. Dahil dito, hindi naging mahirap sa kanya na iugnay ang kahalagahan ng 12-Point Program ng NDFP at ang pagkamit nito sa paraan ng armadong pakikibaka. Kaya tuwing nagpapatibay ng paninindigan sa armadong pakikibaka sa loob ng collective, ang laging sagot ni Ka Isagani ay “Kurique, mæm!”

Sa ginanap na lightning rally, si Ka Isagani ang dumadagundong na boses sa likod ng recorded na pahayag ng NDFP. Kaiba sa nakasanayan, recorded ang speech sa lightning rally. Noong recording ng speech sa isang studio, kita ang excitement at kaba ni Ka Isagani. Excited siya sa LR, excited na gagawa ng UG prop, at kabado sa seguridad.

Sabi niya sa loob ng studio, “‘Di ko akalain na malawak ang network nating mga UGMO, kahit paano ay may mga paraan tayo na makagawa ng propaganda in many forms.”

Sakto (pa) lang—hindi (pa) malawak—ang network ng ARMAS-Parts Bagani bilang 2-year old na balangay. Ganunpaman, ang ARMAS ay tuluy-tuloy na nagsisikap mag-AOM (arouse, organize, mobilize), kaya may makakatok na UG network gaya ng studio na napuntahan.

Di man nakadalo sa aktwal na rally, ang experience na mag-record ng pahayag ng NDFP ay affirmation ng mga pinaninindigan at mga prinsipyo sa rebolusyon. “Yung necessity ng armed struggle sa Pambansa Demokratikong Rebolusyon. I think, especially after ng recording,‘yung armed struggle para sakin ay parang ‘wow, it’s really the ultimate moment’—ultimate moment?!, Hindi ang eleksyon lang! Kaya need talaga to support and wage the Protracted People’s War. Mas nadama ko ang pagka-gets ko sa armed struggle. Reading it out loud reaffirms our beliefs.”

Bulan

“Chanted with conviction, bessie!”

Noong umaga ng April, sinikap bumangon nang maaga ng lahat ng kalahok sa lightning rally. Isa rito si Ka Bulan na guro at manunulat. Maagang nagkape, hindi na nga naligo, wag na wag lang ma-late sa tinakdang kitaan. First time lang ni Ka Bulan na lumahok sa ganitong aktibidad bilang bahagi ng Armas.

“Di na po ako virgin sa LR!!!!” Ito ang sagot niya nung kinumusta tungkol sa first LR niya.

“Nung natanggap ko yung invitation may excitement, like, ‘Ito na TOAHHH!’” Pero habang lumalapit na ang April 29, ‘di na siya mapakali at ‘di na mapirmi dahil sa sobrang kaba kaya naman naging diligent si Ka Bulan sa mga follow-up meetings tungkol sa mga detalye ng LR. Sa mga meetings pa lang, on time na siya at nagsusumikap na maging masinop sa mga impormasyon, sa ano dapat at hindi dapat gawin.

May bigat ang propaganda work para sa kasama. Wika niya, “May kaba kasi first time mo gagawin, pero higit sa lahat, may kaba dahil sa halaga ng gawain.”

Nung nagkuwento na tungkol sa araw ng pagkilos, para bang tuliro na si Ka Bulan. “Sa day itself, sa totoo lang, ‘di ko alam bigla ano ang gagawin ko. Anticipation kills you! Tingin ako nang tingin sa orasan! Paulit-ulit ang tumatakbo sa isip ko.”

Titingin ako sa orasan.

“Start na ba?”

Titingin ulit.

“Start na ba???”

“Start na kasiii!”

Hindi niya rin mapigilan ang pagkamangha habang nakakakita ng mga kakilala niya, na ‘di niya lubos akalain na bahagi rin pala ng selebrasyon ng ika-52 anibersaryo ng NDFP.

“Wary ako sa paligid ko, alert sa mga nangyayari. Nakikita mo ang mga tao all the time, tinititigan sila, Tapos pag kilala mo, bawal pa batiin, so you gotta hold it in!”

Nang marinig na ang talumpati ng NDFP na binasa ni Ka Isagani, “Chanted with conviction, bessie!” ang reaksyon ni Ka Bulan. “Totoo yung banner call. For all the times the elections failed us, aasa pa ba doon lang? Armadong rebolusyon talaga ang tunay na solusyon. Ganon pa man, paghusayan at pumulot tayo ng mga bagong aral sa gawaing parlamentaryo.”

TV

“Para akong camera na sinusubukang mahagip ang lahat. Ayoko na may ma-miss na moment.”

“Overstimulated ako for 5 minutes!” ang isa sa mga special anecdotes ni Ka TV. Dapat, hindi niya na ito first time mag-LR, dahil naimbita na siya dati ng isang UGMO, pero hindi siya tumuloy. Sabi nga ni Ka Isagani, “this is the ultimate moment” ni Ka TV kasama ng ARMAS.

“Pagdating ko dun, nakakatawa kasi kilala ko yung mga tao. Nababasa ko rin agad yung mga kasama, halimbawa, naghahanapan ang magka-ka-buddy hahaha!”

Nung LR, ang magka-buddy ay sina Ka TV at Ka Bulan. Parehong nakasuot ng itim, naka long sleeves, suot ang mga cap nilang kulay itim rin, at pareho pang nakatakip ang mukha. Sa malayo, ‘di mo maipagkaka-ilang stereotype sila ng mga lumpen na snatchers sa Maynila. Yung tipong makikita sa eksena ng Batang Quiapo na serye sa ABS-CBN.

“Nung aktwal, hati yung atensyon ko sa pasa-bilis ng polyeto, sa reception ng masa sa binabasa nila, at as a flag bearer ng ARMAS. Para akong camera na sinusubukang mahagip ang lahat. Ayoko na may ma-miss na moment.”

Bilang archivist ang pinaka-interesting sa kanya ang pag-take note ng mga kaganapan.

“Pag-uwi, sinubaybayan ko ang online presence. Dati kasi, audience ako. Ngayon na naka-experience na ako ng LR, intrigued ako sa audience. May ilang masa na nagtatanong online na ‘bakit hinahayaan na mag-rally ang NPA sa Manila?’ Gusto ko sumagot sa comment section, kaso nga “incognito” ang mode. Buti na lang sa aktwal, receptive ang masa sa polyeto na hinanda natin.

Nung tinanong kung natakot ba sa unang karanasan, ang mabilis na sagot ni Ka TV ay, “Hindi, kasi pag collective tayo, dun nanggagaling ang lakas natin—na kahit may war freak na pulis doon, alam ko na kakampi natin ang masa at ang mga kasama.” Dagdag niya, “Kung may takot man, mas natatakot ako para sa mga kasama at sa masa, kaysa para sa sarili ko.” ### (Julia Makabayan, ARMAS-Parts Bagani Chapter.