Isang araw bago ang paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis ngayong ika-8 ng Marso, naglunsad ng operation dikit (OD) ang mga mga kasapi ng MAKIBAKA-PKM sa isang unibersidad sa National Capital Region (NCR) upang manawagan sa kababaihan at mamamayan na sumapi sa Bagong Hukbong Bayan at isulong ang armadong pakikibaka.

Mahaba ang kasaysayan ng malupit na pang-aapi at pagsasamantala sa kababaihang anakpawis sa ilalim ng malakolonyal at malapyudal na lipunang nagpapanatili sa mababang kalagayan nito, na lalo pang lumulubha sa gitna ng tumitinding pampulitika at pang-ekonomiyang krisis sa bansa. Pasan ng kababaihang magbubukid ang bigat at dusang dulot ng malawakang pangangamkam ng lupa ng mga malalaking panginoong maylupa at ng kaakibat nitong kawalan ng lupa, kahirapan, at kagutuman.

Ang sistematikong pagnanakaw sa kaban ng bayan ay pinangunahan nina Presidente Bongbong Marcos at Bise-Presidente Sara Duterte, at ang mga kontraktor at iba pang sangkot sa gobyerno ang nakikinabang sa bilyun-bilyong perang nakalaan dapat sa mga pampublikong serbisyo, tunay na reporma sa lupa, at pagpapagaan ng buhay ng bawat naghihirap na Pilipino.
Hindi lingid sa kaalaman ng kababaihang anakpawis na hindi matatamasa ang tunay na kalayaan at ganap na pagkakapantay-pantay hangga’t hindi kumakalas ang lipunan sa gapos ng imperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo, na nakasandig sa haligi ng pang-aapi at panunupil sa mayorya ng mamamayan upang pamalagiin ang naghaharing iilan sa rurok ng kapangyarihan at karangyaan.
Kaya’t buong giting at pagpapasyang tinatahak ng malawak na bilang ng kababaihang anakpawis ang landas ng armadong pakikibaka. Binibigyang pugay ang lakas at tapang ng mga Pulang mandirigmang kababaihan na iniigpawan ang tinalagang katangiang pagiging kimi at mayumi ng kanilang kasarian ng atrasadong pyudal na pag-iisip. Pinatutunuyan nito na ang sinumang sandigan ang masa sa pakikibaka ay militante at dakilang namumuhay para sa pagpapalaya ng kanilang kasarian at uri.




Hinahamon ng MAKIBAKA – PKM ang mga kababaihan na sumama sa pagpapabagsak ng imperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo na nagpapahirap sa mga kababaihan at malawak na sambayanang Pilipino. Sa pagsulong ng demokratikong rebolusyong bayan na may sosyalistang perspektiba lamang makakamtan ang tunay na emansipasyon ng kababaihan.
Lumahok sa armadong pakikibaka! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
