Pahayag ng Christians for National Liberation-Fr. Joe Dizon Chapter sa ika-54 na anibersaryo ng CNL

Itinuro nya sa iyo o tao, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh, maging makatarungan ka sa lahat ng bagay.” Mikas 6:8

Isang mapula at mapagpalayang pagbati sa ating lahat! Nakikiisa ang CNL-Fr. Joe Dizon Chapter sa ika-54 taong anibersaryo ng Christians for National Liberation. 54 na taon na ang nakalipas nang iniluwal ng kasaysaysan ang CNL bunga ng pananampalatayang nagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Cristo. Mula noon hanggang ngayon, ang CNL ay naninindigan kasama ng masa—mga maralita, inaapi, at inuusig—matatag na pumapanig at tumitindig sa makasaysayang pakikibaka para sa pambansa at panlipunang paglaya.

Ngayong taon, sa pagdiriwang ng ating ika-54 na anibersaryo sa gitna ng lumalalim na pandaigdigan at lokal na krisis bunga ng bulok na sistemang umiiral sa pamamagitan ng pagsasamantala, pandarambong, at panunupil.

Sa Timog-Katagalugan at Probinsya ng Cavite, patuloy ang paglala ng kahirapan, kawalang katarungan, paglabag sa karapatang-pantao, at pagkawasak ng kalikasan. Nagpapatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala sa uring manggagawa, panggigipit at pandadahas sa uring magsasaka, militarisasyon sa kanayunan, pambobomba sa mga pamayanan at lupang-ninuno ng pambansang minorya, pananakot at sapilitang-pagpapalayas sa kanila, pandarambong sa mga likas na yaman katulad ng kabundukan, kagubatan, at karagatan. Pagyurak sa dignidad at pag-atake sa mga makabagong propeta at taong simbahan–mga pari, pastor, taong relihisyoso, at lider-layko, mga tagapagtanggol ng karapatang-pantao at kalikasan, at tagapagtaguyod ng kapayapaang nakabatay sa katarungan.

Walang pinag-iba ang rehimeng US-Marcos, Jr. sa mga nakalipas na rehimen, ito ay pagpapatuloy at konsolidasyon lamang ng diktadurya ng naghaharing uri. Sa ekonomiya, ipinatutupad nito ang neoliberal na pandarambong, pagkakaalipin sa utang, at pagkontrol sa mga burgesya komprador. Sa politika, pinatatag nito ang monopolyo ng mga naghaharing-uri at korupsiyon ng burukrasya. Sa militar, isinusulong nito ang pasistang panunupil at malawakang kontra-insurhensiya. Sa estratehiya, isinusuko nito ang pambansang soberanya sa mga disenyo ng imperyalistang US. Ang rehimen ay burukrata-kapitalista sa kaibuturan at kabuuan nito, ginagamit ang kapangyarihan ng estado para sa pribadong interes at pasista sa pamamaraan, umaasa sa paghahasik ng takot upang supilin ang paglaban ng mamamayan.

Sa ganitong kalalagayan, ang CNL-Fr. Joe Dizon Chapter ay matatag at militanteng nanindigan kasama ng lahat ng kasapi at kadre ng CNL sa bansa at sa buong mundo sa gitna ng isang lipunang lunod sa krisis—isang sistemikong krisis ng imperyalismo at dominasyon ng naghaharing uri, na matagal nang kinondena at isinuka ng mga katuruan sa Banal na Kasulatan. Ipagpapatuloy ng CNL-Fr. Joe Dizon Chapter ang mahabang kasaysayan ng pakikipagkaisa sa mga maralita, inaapi, at inuusig sa pamamagitan ng malalim na pag-uugat sa pakikibaka ng masang Pilipino, pagpapakilos ng pinakamalawak na bilang ng mga mananampalatayang Pilipino sa paglilingkod sa pakikibaka at rebolusyon ng sambayanan, pagsuporta sa armadong pakikibaka, pagbasag sa kultura ng takot na dulot ng pasistang rehimen, at paglahok sa pambansang demokratikong rebolusyon sa iba’t ibang anyo.

Patuloy na palalakasin ng CNL-Fr. Joe Dizon Chapter ang kanyang hanay sa harap ng mga panloob na pagkakamali katulad ng empirisismo, dogmatismo, konserbatismo, liberalismo, buntotismo, at sektaryanismo; at mga panlabas na kahinaan na dulot ng pasismo ng estado. Patuloy itong magpapalawak at mag-oorganisa sa mga taong may pananampalataya sa buong probinsya ng Cavite. Patuloy nitong paiigtingin ang rebolusyonaryong edukasyon sa mga kasapi at kadre, maglilingkod sa mga manggagawa at magsasaka, at magkakaroon ng integrasyon sa batayang masa. Walang humpay itong susuporta at makikilahaok sa rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa kanayunan, sa pamamagitan ng pagtulong sa paghahanda ng mga sonang gerilya, mga kampanyang exposure, pakikilahok sa tour of duty, at pagsapi sa Bagong Hukbong Bayan.

Sa diwa ng ika-54 na anibersaryo ng CNL, muling pinagtitibay ng CNL-Fr. Joe Dizon Chapter ang kanyang panata na palakasin at palawakin ang hanay sa pamamagitan ng mas malalim na integrasyon sa masa, lalo na sa mga lugar ng pagsasamantala at paglaban; pagtakwil sa repormismo at liberal na ilusyon; paglinang ng mga mananampalataya na nagsasabuhay at nagtataguyod sa Marxsismo-Leninismo-Maoismo at rebolusyunaryong Cristianong pagkilos; at pagtitiyaga sa kabila ng mas matinding pasistang atake.

Sa araw na ito, matatag na pinagtitibay ng CNL-Fr. Joe Dizon Chapter na ang pambansang demokratikong rebolusyon na may sosyalistang perspektiba ang tanging landas tungo sa tunay na paglaya. Patuloy itong nagtatalaga na patuloy na ilantad ang imperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo bilang estruktural na kaaway ng buhay, dignidad, at kapayapaan; masigasig at may lubos na pag-iingat na magbigay ng materyal na suporta at ligtas na espasyo para sa batayang masa at mga kasapi ng mga lihim na rebolusyonaryong organisasyon, lalo na ang bagong hukbong bayan; maging matapang sa pakikilahok sa armadong pakikibaka, pansamantala man o pangmatagalang panahon; at isulong ang pang-internasyunal na pakikipagkaisa at pakikipagtuwangan sa mga inaapi at pinagsasamantalahang uri laban sa pang-aabuso at digmaan.

Kasama ng masa, at ng lahat ng kaanib at kadre ng CNL, ang CNL-Fr. Joe Dizon Chapter ay patuloy na magmamartsa at makikibaka. Sa pamamagitan ng pananampalataya at rebolusyon, tiyak na tayo ay magtatagumpay.

Palakasin at palawakin ang CNL! Palalimin ang integrasyon sa masa! Isulong ang pambansang demokratikong rebolusyon na may sosyalistang perspektiba! Ibagsak ang US–Marcos Jr., bureaukrata-kapitalismo, at pasistang rehimen! Isulong ang pangmatagalang digmang-bayan! Mabuhay ang CNL! (ni Lucas Evangelista, ipinahayag at pinagtibay ng CNL-Fr. Joe Dizon Chapter sa kanyang tatunang asembleya at pagdiriwang ng ika-54 na taong anibersaryo ng CNL)