Lupon ng Manananggol para sa Bayan–Balangay AgReb (LUMABAN-NDFP)

Mensahe para sa ika-57 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan

Maalab na pagbati sa Bagong Hukbong Bayan sa ika-57 na taong anibersaryo nito at taas kamaong pagpupugay sa mga pulang kumander, mandirigma, mga martir ng sambayanan at sa sambayanang Pilipinong patuloy na lumalaban para sa isang malaya at mapagpalayang lipunan.

Sa ilalim ng malakolonyal at malapyudal na lipunan ay patuloy na pinapatay sa kahirapan ang mamamayang Pilipino. Palala nang palala ang krisis panglipunan kung saan parami nang parami ang pamilyang Pilipino na naghihikahos. Nito lamang nakaraang mga buwan ay nakita ng sambayanan kung gaano kalawak ang sistema ng korapsyon na umiiral sa ating bayan. Nasiwalat ang kabulukan ng pamahalaan na pinamumunuan ng mga buwayang kurap at papet na patuloy tayong ginagatasan.

Ngunit nasaan ang hustisya para sa mamamayang ninakawan, nilunod, ginutom, at pinapatay sa kahirapan? Wala. Kagaya na lang ng kawalan ng hustisya sa uring magsasaka at mangingisda, at ibang maralita, na hindi lang ilang dekadang inaagawan ng lupa at pook pangisdaan kundi ilang dekada na ring tinatakot, hinaharass, sinasampahan ng gawa-gawang kaso at pinapatay ng mga puwersa ng estado. Ang hindi na bumuting kondisyon ng mga magsasaka at mangingisda ang siyang patunay ng kawalan ng hustisya sa isang malakolonyal at malapyudal na lipunan.

Habang deka-dekada nang lumalaban para sa Tunay na Reporma sa Lupa ang uring magsasaka ay ilang dekada na ring papalaki ang lupang pinag-aarian ng mga panginoong lupa. Habang pahirap ang mamamayang Pilipino ay payaman naman ang mga malalaking panginoong maylupa, korporasyon ng mga malalaking burgesya kumprador at oligarkiya. Habang patuloy ang pagsasampa ng mga gawa-gawang mga kaso sa mamamayang nananawagan ng isang makatarungang lipunan ay patuloy naman nagpapakasasa ang mga buwaya at papet sa puwesto. Kaya naman walang hustisya at walang aasahang hustisya sa isang lipunan kung hahayaan itong manatiling malakolonyal at malapyudal.

Kinakailangan ang hukbo para sa
Demokratikong Rebolusyong Bayan na siyang susi upang makamit ng mamamayang Pilipino ang tunay na hustisya’t katarungan.

Kaya’t ang paghahawak ng armas ng mga di-pangkaraniwang mandirigma ng BHB ay makatarungan at nararapat dahil kinakailangan ito upang mapabagsak ang papet na estado at mga puwersa nito na tagapagtaguyod ng pyudalismo, buruktrata kapitalismo at imperyalismo. Kinakailangan ang hukbo para sa Demokratikong Rebolusyong Bayan na siyang susi upang makamit ng mamamayang Pilipino ang tunay na hustisya’t katarungan.

Sa pagtangan ng wastong linyang Demokratikong Rebolusyong Bayan, mismong mahabang karanasan ng mga magsasaka, mangingisda, katutubo, manggagawa at iba pang maralita ang nagpatunay sa kabulukan ng reaksyunaryong batas na itinataguyod ng mga papet na rehimen. Sa paghahanap ng hustisya ng masang anakpawis at ng malawak na sambayan, hindi maiiwasan ang paghahawak ng armas dahil ang mga naghaharing uri ay hindi kusang isusuko ang kanilang interes sa lupa, higanteng tubo, mga kickback, kapangyahiran at impluwensya. Kaya’t sumali sa rebolusyon, sumali sa BHB, isulong ang DRB at kamptin ang katarungan at hustisyang panlipunan!

Pagpupugay sa Bagong Hukbong Bayan!
Pagpupugay sa Sambayanang lumalaban!
Isulong ang Demokratikong Rebolusyong Bayan